Madali Maging Tao, Pero Mahirap Magpakatao
Luma, simple at tipikal na kasabihan madalas kong  marinig sa mga  matatanda na magbubukid nakakausap ko sa kanayunan pero  kung susuriin mo  ng malalim relatibo sa kasalukuyang pag-uugali ng mga  tao  magbubukid,mangingisda,kabataan, kababaihan,mayaman man o mahirap  at  anumang sekswalidad ang kinapapalooban lapat para sa lahat ito.   Noong  bata pa ako, sabi ng Mama at Papa ko, napakasaya daw nila nung nakita  nila ako, sabi, lahat daw ay ginawa nila upang ma-sustain lahat ng  pangangailangan ko sa buong pamilya namin. Hindi ko man labis na  ma-imagine kung gaano silang naghirap o nahirapan upang ma-meet nila  yung kanilang gustong mangyarari sa amin sa pagdating ng panahon,  subalit nung akoy nagkaroon ng sariling isip ay sadyang sa-realized ko  na ganun na nga lamang ang kanilang pagmamahal sa akin mula nung ako  naisilang at lumaking nagkaroon ng isip at paninindigan...   Ang  sabi nila sa akin, sa aking naaalala, kung ano daw yung gusto kong  gawin, kung anumn yung pangarap ko a...