Posts

Showing posts from August, 2012

The Second Chance was supposed to Be Your First Chance

PART 1 “Kapag nagmamahal ka ng totoo, nakakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo, pero kapag magkahawak kamay kayong dalawa, handa kang harapin ang lahat, at sa banding huli, hinding-hindi ka na bibitaw…” -Elly Minsan, sa buhay natin, nararamdaman nating napaka unfair ng panahon… Kung ano yung ginusto mo noon paman, sya yung hindi nangyayari at kung ano yung ayaw mong mangyari, sya naman itong nangyayari… Hindi ko pa nga naranasan kung ano ba ang totoong nararamdaman sa pag-ibig na totoo, para sa akin, puro instincts at opinion lang ang kaya kong sabihin mula sa aking observations sa bawat nakikita ko…. Pinangako ko sa sarili ko na saka na muna ako iibig kapag handa na ako. Handa sa paraang kaya kong harapin ang lahat ng consequences, mga sakit at kung anu-ano pang dulot ng bagay na ito. Para sa akin, hindi naman mahirap mangayari kapag maninidigan lang ako.. Sa pagdaan ng mga araw, habang tumatanda na ako, marami na akong natutunan sa buhay, unang-una doon a