The Second Chance was supposed to Be Your First Chance

PART 1

“Kapag nagmamahal ka ng totoo, nakakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo, pero kapag magkahawak kamay kayong dalawa, handa kang harapin ang lahat, at sa banding huli, hinding-hindi ka na bibitaw…”
-Elly


Minsan, sa buhay natin, nararamdaman nating napaka unfair ng panahon… Kung ano yung ginusto mo noon paman, sya yung hindi nangyayari at kung ano yung ayaw mong mangyari, sya naman itong nangyayari…

Hindi ko pa nga naranasan kung ano ba ang totoong nararamdaman sa pag-ibig na totoo, para sa akin, puro instincts at opinion lang ang kaya kong sabihin mula sa aking observations sa bawat nakikita ko….

Pinangako ko sa sarili ko na saka na muna ako iibig kapag handa na ako. Handa sa paraang kaya kong harapin ang lahat ng consequences, mga sakit at kung anu-ano pang dulot ng bagay na ito. Para sa akin, hindi naman mahirap mangayari kapag maninidigan lang ako..

Sa pagdaan ng mga araw, habang tumatanda na ako, marami na akong natutunan sa buhay, unang-una doon ang pag-iingat, lalo na siguro pagdating sa pag-ibig.

Pero para sa kaalaman ng lahat, aaminin kong naramdamn ko na ang feeling ng isang in-loved, yun bang kaya mo syang tanggapin no matter what, kaya mo syang tanggapin kahit ano pa man sya sa mata ng tao at sa kahit na sino.. Oo, isang taong nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal, ng totoong pagtanggap at totoong pagbibigay ng saya at kompleto sa buhay ko…

Masaya ako kapag nakikita ko sya, kapag naririnig ko ang boses nyang tila Anghel na nakikipag-usap sa iyo… Kompleto na araw kapag narinig ko lang boses nya..

Aminin na nating maraming ayaw sa kanya kasi dahil sa kanyang kangahan pagdating sa trabaho, at maramin na rin syang iba pang nagawang kapalpakan, pero hindi ako nawawalan ng pag-asang tulungan sya para magkaroon ng matuwid na hangarin ang taong ito…

Oo, minsan na rin kaming nag-away dahil lamang sa isang bagay, at sya rin naman ang may kagagawan nun, kahit hindi sya humingi ng sorry, pero pinaramdam ko sa kanya na tanggap ko pa rin sya…

Medyo matagal na rin naman kaming magkaibigan, lahat ng secreto ko, nag si-share ako sa kanya, kahit sya hindi, pro feel safe ako kapag nasabi ko sa kanya ang mga bagay na alam kong makakatulong sa kanya… It’s been 2 years na ang friendship naman, at sa totoo lang, I consider her as my best friend…

Lagi ko syang pinagbibigyan sa mga gusto nya, kahit ano, advices kainoman kahit pera, kahit nga minsan na-fe-feel ko na kaya nya lang ako kinakaibigan kasi lagi akong nandyan kapag kailangan nya ako, hindi ko iniisip yun, ang importante para sa akin napapagbibigyan ko sya at napapasaya at marinig ko lang din ang “Thank you” nya, ok nay un…

Hanggang sa tumagal at dun rin parang nakaramdam na ako ng ibang impact sa loob ko, para bang unusual yung feeling ko, hindi tulad ng dati na ok lang…

Isang araw, niyaya nya akong maginoman kami, syempre sumabay ako, birthday nya nun at humingi pa nga sya ng gift, binigyan ko rin naman. That time, nag plano akong ipagtapat ko na ang nararamdaman ko para sa kanya, alam kong mahirap pero bahala na…

Ngunit, pagadating naming sa puntong medyo nakainom na, sasabihin ko na sana, kaso sabi nya “basta huwag lang makasira sa friendship natin”, kaya boom!, na-realized ko parang hindi pa yata panahon..heheh

Lagi ko syang na mi-miss, araw-araw, parang tanga na nga ako eh sa sobrang ilusyon, pero ok lang sa akin…

Minsan isang araw, nanood ako ng Indie Film, “Heavenly Touch”, although Gay themed yung movie pero it’s not about that, ang ganda ng story, real-life story, tungkol sa totoong buhay, pag-ibigan at tunay na pagkaka-ibigan, at habang nanonood ako, in-imagine ko na kaming dalawa yung bida, hahah.. Pero maganda yung movie, in fairness..

 Hanggang ngayon, mahal ko pa rin sya, mahal na mahal ko sya, pero kaya pa naming pigilan ang nararamdaman ko, lalo na ngayong hindi na pwde, at alam kong mali na ibigin sya, maling tao at hindi sya ang para sa akin…

Hihintayin ko nalang na sya na mismo ang umamin sa akin na mahal nya rin ako, at kung hindi man, handa kong tanggapin yun kasi ganun ko sya kamahal…

Sa tuwing makikita ko syang may kasama na iba, lalaki man o babae, nakakaramdam ako ng selos, kaya kapag ako na ang makakasama nya, pinagbibigyan ko sya sa lahat ng gusto nya, minsan rin sinasabi ko sa kanya na nagseselos ako nautuwa ako kapag sinsabi nyang “Ikaw ang gusto kong makasama kaysa sa kanya”, kay naman lagi-lagi kong pinaparamdam sa kanya kung gaano sya ka-halaga sa akin para kapag may kasama syang iba, mas gusto nyang ako  nalang…

Heto ako ngayon, ang gulo ng isip ko, nahihirapan akong kalimutan nalang na mahal ko sya, nahihirapan akong kalimutan na nagging espesyal sya sa akin. Alam kong mali pero kapag nagmamahal ka ng totoo, nakakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo, pero kapag magkahawak kamay kayong dalawa, handa kang harapin ang lahat, at sa banding huli, hinding-hindi ka na bibitaw…

Hindi man ako ang nasa tabi nya araw-araw at gabi-gabi, pero alam kong mananatili sya sa akin at mananatili ako sa puso nya…

Ngayon, ang buhay ko, Masaya, habang ka-ka-promote ko lang bilang isang bagong Manager, Masaya ako sa ganitong achievement ko sa buhay, single in status pro feeling committed ako sa puso nya kaya para sa akin, hindi na muna ako magmamahal ng iba, saka na siguro kapag nakapag moved on na ako sa kanya…

Kaya naman ngayon, lagi kong sinasabi na masaya maging isang single, kahit wala kang nakakasama at nakakausap sa bawat gusto mong i-share sa isang taong malapit sa iyo, ok lang as long as may kaibigan ka lang.. Disadvantage man yung nag-iisa ka lang, pero kapag napag-isip-isip mong maghanda ng husto, sa huli ikaw rin naman ang makikinabang, hindi ang kahit na sino…

Kung single ako, not because of “no choice” kundi dahil naghihintay ako na ang puso ko mismo ang susuko at sabihin na handa na ulit syang umibig ng iba…

Ang tunay na pag-ibig ay parang isang snail, minsan ang bagal kumilos bago pa sya makapunta sa gusto nyang puntahan, kahit alam nya sa sarili nyang hindi nya alam kung tama ba ang dinadanan nya, at kapag may taong nakakita sa kanya, kailangan pa nyang magtago upang makaiwas dahil takot syang makita ng  tao at baka masaktan sya, ganun din sa love, ang taong nagmamahal, sa tinatago nya lamang ang nararamdaman nya baka masaktan sya kapag malaman nya ang tunya na nararamdaman mo, binabagaln ang kilos upang makasigurado sa paroroonan…

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!