Posts

Showing posts with the label tagalog

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!

Marahil hindi na nga bago sa atin ang katagang ito, kadalasan, naririnig natin ang mga statements na ito mula sa ating supportive na mga kaibigan, even on our own selves, sinasabihan natin ang ating sarili nito lalo na sa panahon ng kaguluhan at sa panahong hindi mo na halos maintindihan ang mga bagay-bagay; problema sa eskwela, sa pamilya, sa trabaho and many other degrading scenarios. Sa kabilang dako, tayo pa rin ay nagpapatuloy sa atung pamumuhay higit sa anupaman. Bilang isang may karanasan na sa iba't ibang pangyayari, mapa negatibo man o positibong aspeto, sobrang napakarami na ng naituro ang mga experiences ko, ikanga nila, experience is the best teacher. Ngunit, ikaw ba ay naniniwala na ang experience na yan ay hindi kailanman magiging katanggap-tanggap hangga't sa sarili mo ay walang lugar ang pagbabago. Pero sabi nga di ba, "Laban lang!" Maraming paraan upang ating lubos na maintindihan ang buong katotohanang hatid sa atin ng mga pangayayari at m...

Ang Hindi pa Dapat Maranasan - Talumpati

            Sa panahon natin ngayon, marahil hindi na bago sa atin ang usaping “sex” o pakikipagtalik, kahit sinong tao, bata man o matanda ay halos normal na lamang ang pag usapan ito, dagdag pa, ignorante na lamang daw ang hindi pa nakakaranas ng pakikipagtalik at kung sino man ang wala pang karanasan ay sinasabing napag-iiwanan na ng kabihasnan. Ganunpaman, ang pagiging birhen ay isang napakalaking bagay na dapat nating maipagmalaki hanggang sa tayo ay maikasal.             Lahat tayo ay may kanya-kanyang istilo ng pamumuhay, may kanya-kanyang pananaw at paniniwala. Maaring para sa atin ay tama o mali, pero kabaliktaran naman ito sa kanila, bagkus ay dapat rin nating maunawaan at intindihin ang buong katotohanan sa likod ng ating mga nakikita at naririnig, lalong-lalo na sa usaping “Kasal Muna, Bago Talik”.          ...

Ano ba ang Pinagmamalaki Mo?

Ang talino nila, grabe! Naaalala ko lang, may nakapagsabi sa akin noon, yung mga taong nakapag aral, may degree na nga, hindi pa nakokontento kumukuha ng Masters Degree, at hndi pa makuntento, mag do- Doctoral, ay kadalasan sa kanila, (HINDI LAHAT) ay naging makitid at maliit na daw ang kanilang utak upang makapang unawa, dahil sa dami na nilang alam, hindi na nila kayang tanggapin ng kung ano ang totoo. Believe me, habang nasa Graduate School ka, pinipilit kang ilayo sa totoong prinsipyo ng pamumuhay bilang isang Kristyano, inilalayo ka sa paniniwala mo sa Bibliya and to God's teaching. Dahil sa totoo lang, pinag aaralan mo ang mga Pilosopiya ng mga naunang tao... At dahil sa dami na nilang alam, para saan at para ano? Para mas maraming oportunities at mas competitive when it comes to employment and business thing, "DAW", yun ang pinaninindigan at pinaniniwalaan nila. In addition, mas matatawag silang professional. Sa tingin ko naman, hindi naman sa level of educati...

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Madungis, pangit, mabaho, yagit at kung anu-ano pa. Iilan lang naman yan sa napakaraming negatibong bagay na siyang ating napapansin at nasasabi habang tinitignan natin ang kanilang sitwasyon. Ma-limit nating hindi maunawaan ang kahalagahan   ng kanilang paghihirap, na sa likod nito’y napakalaking kontribusyon sa ating bansa. Wala tayong malawak na kaisipan, lagi nating minamaliit ang kanilang ginagawa at ang masaklap, kino-konsiderang isa sa pinaka mababang lebel sa pagtatrabaho ang pagsasaka, hindi man lang natin mailagay sa ating mga isip, ano kaya ang magiging larawan ng bansang ito kung kung wala sila? Ano nga ba ang mai-pag-mamalaki natin sa ekonomiya ng Pilipinas? Gaano ba kahalaga ang ginagawa natin ngayon? Iyan bang magagandang uniporme mo? Iyan bang malilinis na mukha na humaharap sa mga customer at sa madla? O, hindi naman kaya, ang pag-ma-may-ari mo ng isang negosyo sa syudad? Tama! Ang mga bagay na iyon ay dapat nga namang ipagmalaki, subalit, napakalaking impluwe...

Bawat Araw ay May Kahulugan

Sa buhay, hindi natin malalaman ang bawat mangyayari pa lamang sa susunod na mga oras at panahon. Hindi natin maatinag kung ano din ba ang dahilan kung bakit ito nangyayari at bakit nararanasan natin ito. Sa bawat panahon na dumadaan sa ating buhay, may mga bagay na minsan na rin na-take for granted, akala natin ay wala lamang itong significant sa atin, akala natin ay itoy maliit lang na pwde mo pang gawin sa susunod na pagkakataon. Katulad na lamang ng pagkakaroon magandang oportunidad, kung saan ito'y ibinigay na sa atin pero hindi natin napansin dahil sa rason o sa tingin mong may hinihintay ka o di naman kaya may may iba kang gusto. Tama nga naman po, iisang beses lang talaga dadaan ang mga bagay-bagay, ang mga experiences, ang mga pangyayari at higit sa lahat ang mga opportunities, maaaring hindi mo man ito magustuhan, at dahil dun, maaring nasayang ang pagkakataong iyon. Ikanga nila, lahat nga ay may dahilan, pero hindi naman po ibig sabihin na tayo ay mag hihintay na lan...

Kung maibabalik ko lang ang panahon! (98% full tagalog version)

"Marahil, marami akong mga bagay na mababago... Marami akong mga bagay na dapat ginawa ko...   Ibang-iba na ang buhay ko ngayon, ibang-iba na rin ang mga buhay ng bawat tao. Kung dati, wala pa akong nalalaman sa mga bagay-bagay,  wala pa akong alam kung paano ba gumawa ng kasalanan o kahit sabihin nating ano ba ang salitang "kasalanan".   "Kailangan mo pang gumawa ng isang bagay na pagsisihan mo para sa huli, mtutunan mo kung paano ba ang maging maayos at mabuting tao. Kailangan mo pang masaktan at manakit ng iba, kailangan pa na may umiyak at umiyak ka. " Ewan ko, pero sa tuwing naiisip ko na sana, hindi nalang ako lumaki at naging "matured",  sana wala akong mga kasalanan. hahaha Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari ang bagay na ito sa buhay ko; magulo, mahirap, makasalanan at puno ng mga pagsubok. Alam ko naman na ang lahat nang ito ay makakayanan ko rin, pro ang hindi ko lanag maintinhan eh kung bakit minsan, hind ko makayana...