Kung maibabalik ko lang ang panahon! (98% full tagalog version)
"Marahil, marami akong mga bagay na mababago... Marami akong mga bagay na dapat ginawa ko... Ibang-iba na ang buhay ko ngayon, ibang-iba na rin ang mga buhay ng bawat tao. Kung dati, wala pa akong nalalaman sa mga bagay-bagay, wala pa akong alam kung paano ba gumawa ng kasalanan o kahit sabihin nating ano ba ang salitang "kasalanan". "Kailangan mo pang gumawa ng isang bagay na pagsisihan mo para sa huli, mtutunan mo kung paano ba ang maging maayos at mabuting tao. Kailangan mo pang masaktan at manakit ng iba, kailangan pa na may umiyak at umiyak ka. " Ewan ko, pero sa tuwing naiisip ko na sana, hindi nalang ako lumaki at naging "matured", sana wala akong mga kasalanan. hahaha Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari ang bagay na ito sa buhay ko; magulo, mahirap, makasalanan at puno ng mga pagsubok. Alam ko naman na ang lahat nang ito ay makakayanan ko rin, pro ang hindi ko lanag maintinhan eh kung bakit minsan, hind ko makayana...