Ang Hindi pa Dapat Maranasan - Talumpati
Sa panahon natin ngayon, marahil hindi na bago sa atin ang usaping “sex” o pakikipagtalik, kahit sinong tao, bata man o matanda ay halos normal na lamang ang pag usapan ito, dagdag pa, ignorante na lamang daw ang hindi pa nakakaranas ng pakikipagtalik at kung sino man ang wala pang karanasan ay sinasabing napag-iiwanan na ng kabihasnan. Ganunpaman, ang pagiging birhen ay isang napakalaking bagay na dapat nating maipagmalaki hanggang sa tayo ay maikasal. Lahat tayo ay may kanya-kanyang istilo ng pamumuhay, may kanya-kanyang pananaw at paniniwala. Maaring para sa atin ay tama o mali, pero kabaliktaran naman ito sa kanila, bagkus ay dapat rin nating maunawaan at intindihin ang buong katotohanan sa likod ng ating mga nakikita at naririnig, lalong-lalo na sa usaping “Kasal Muna, Bago Talik”. ...