Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati
Madungis, pangit, mabaho, yagit at kung anu-ano pa. Iilan lang naman yan sa napakaraming negatibong bagay na siyang ating napapansin at nasasabi habang tinitignan natin ang kanilang sitwasyon. Ma-limit nating hindi maunawaan ang kahalagahan ng kanilang paghihirap, na sa likod nito’y napakalaking kontribusyon sa ating bansa. Wala tayong malawak na kaisipan, lagi nating minamaliit ang kanilang ginagawa at ang masaklap, kino-konsiderang isa sa pinaka mababang lebel sa pagtatrabaho ang pagsasaka, hindi man lang natin mailagay sa ating mga isip, ano kaya ang magiging larawan ng bansang ito kung kung wala sila? Ano nga ba ang mai-pag-mamalaki natin sa ekonomiya ng Pilipinas? Gaano ba kahalaga ang ginagawa natin ngayon? Iyan bang magagandang uniporme mo? Iyan bang malilinis na mukha na humaharap sa mga customer at sa madla? O, hindi naman kaya, ang pag-ma-may-ari mo ng isang negosyo sa syudad? Tama! Ang mga bagay na iyon ay dapat nga namang ipagmalaki, subalit, napakalaking impluwensya