Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Madungis, pangit, mabaho, yagit at kung anu-ano pa. Iilan lang naman yan sa napakaraming negatibong bagay na siyang ating napapansin at nasasabi habang tinitignan natin ang kanilang sitwasyon. Ma-limit nating hindi maunawaan ang kahalagahan  ng kanilang paghihirap, na sa likod nito’y napakalaking kontribusyon sa ating bansa. Wala tayong malawak na kaisipan, lagi nating minamaliit ang kanilang ginagawa at ang masaklap, kino-konsiderang isa sa pinaka mababang lebel sa pagtatrabaho ang pagsasaka, hindi man lang natin mailagay sa ating mga isip, ano kaya ang magiging larawan ng bansang ito kung kung wala sila?

Ano nga ba ang mai-pag-mamalaki natin sa ekonomiya ng Pilipinas? Gaano ba kahalaga ang ginagawa natin ngayon? Iyan bang magagandang uniporme mo? Iyan bang malilinis na mukha na humaharap sa mga customer at sa madla? O, hindi naman kaya, ang pag-ma-may-ari mo ng isang negosyo sa syudad? Tama! Ang mga bagay na iyon ay dapat nga namang ipagmalaki, subalit, napakalaking impluwensya ang mga aspetong ito upang ating makalimutan at mabalewala ang kahalagahan ng ating magsasaka. Isipin mo, kung tayong lahat, kung silang lahat ay dito na magtatrabaho sa lungsod, sino na nga lang ba ang maiiwan sa bukid na syang mag babahagi ng pangunahing pangangailangan natin? Naiisip ba natin na ganun na lang ka importante ang mga produktong agrikultura? Sila lang naman ang dahilan kung bakit nakakakain pa tayo ng kanin, prutas at gulay, at nang dahil dito, yumayaman an gating ekonomiya sa napakaraming produktong agrikultura na inaangkat sa ibang bansa, higit sa anupaman.

Napakalawak at sobrang laki ang na-i-ambag at ma-i-aambag ng ating mag magsasaka; sa ating komunidad, sa ating bansa, at sa buong mundo, kaya nararapat lamang na bigyan natin sila ng pagpupugay at halaga bilang kapalit ng kanilang pagpapakahirap sa kabukiran. Ang pagiging marumi sa paningin, yung mga paang mapuputik, mga tsinelas na kay nipis, mga gutay-gutay na damit at ang mga pawis na hindi natutuyo ay ang mga simbolo kung bakit mapa-hanggang ngayon, tayo ay nakakakain, may masisigla at malalakas ang katawan. Huwag nating kalilimutan, lagi nating ilagay sa ating kaisipan, na ang pagbibigay halaga ay napakalaking bagay na upang sila ay hindi mapapagod na magbahagi ng mga produktong agrikultura at higit sa lahat, ang buhay.






Copyright © October 2015

Original Ariticle

Comments

  1. Hi po pwede poba mahiram ang akdang isinulat ninyo para sa aming talumpati sa lunes?

    ReplyDelete
  2. Pwede ko ba gamitin tong piece niyo po?

    ReplyDelete
  3. Pwede po bang magamit ang pyesang ito Ng aking anak sa kanyang pag aaral

    ReplyDelete

Post a Comment

Say something...

Popular posts from this blog

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!