Kung maibabalik ko lang ang panahon! (98% full tagalog version)
"Marahil, marami akong mga bagay na mababago...Marami akong mga bagay na dapat ginawa ko... Ibang-iba na ang buhay ko ngayon, ibang-iba na rin ang mga buhay ng bawat tao. Kung dati, wala pa akong nalalaman sa mga bagay-bagay, wala pa akong alam kung paano ba gumawa ng kasalanan o kahit sabihin nating ano ba ang salitang "kasalanan". "Kailangan mo pang gumawa ng isang bagay na pagsisihan mo para sa huli, mtutunan mo kung paano ba ang maging maayos at mabuting tao. Kailangan mo pang masaktan at manakit ng iba, kailangan pa na may umiyak at umiyak ka. "Ewan ko, pero sa tuwing naiisip ko na sana, hindi nalang ako lumaki at naging "matured", sana wala akong mga kasalanan. hahaha
Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari ang bagay na ito sa buhay ko; magulo, mahirap, makasalanan at puno ng mga pagsubok. Alam ko naman na ang lahat nang ito ay makakayanan ko rin, pro ang hindi ko lanag maintinhan eh kung bakit minsan, hind ko makayanang labanan ang tanging kahinaan ko sa aking sarili.
Masaya naman ako sa buhay ko, masaya na ang buhay ko ay kasama ko ang Diyos. Mula sa aking pagtulog at pagbangon, Hindi ko naman mkalimutang pasalamatan ang Diyos sa mga bagay na naibigay Nya sa akin.
Masaya ako kasi sa buhay ko ngayon, marami akong mga kaibigan, marami akong kakilala at nagmamahal sa akin. Pero, mas naging masaya ako noon sa aking pamumuhay, kahit bata ako eh masasabi kong na-enjoy ko ang aking pagkabata.
Sa pagdating ng panahong tila akoy tumatanda na at nagkaroon na ng isip, maraming bagay na ang alam kong gawin, mula sa gawaing bahay, pagta-trabaho, gumawa ng mabuti at kahit gumawa ng hindi mabuti. Sa edad ko ngayon, marami na rin akong na-eksperyens, marami na akong nalalaman, marami na rin akong mga natutunang bagay na minsan ay gingawa kong inspirasyon at pagbabahagi sa ibang tao na alam ko naman sila'y matutulungan ko.
Eto, sa tuwing may alam ako sa isang bagay, hindi naman ibig sabihin nagawa ko na. Minsan eh, natutunan ko ang mag ito base sa aking pag-o-obserba sa paligid at sa mga pangyayari sa aking paligid.
Pero diba, sabi nila may impluwensya ang ang paligid?? Sabi ko naman depende lang sa tao... Pero talagang ang riyalidad ay talagang riyalidad, habang ako'y nabubuhay sa mundo, sa mundo ng kapahamakan, kasalanan, kasamaan, at mundo ng maraming tentasyon, hindi ko maiwasang makagawa ng kasalanan, at na-realized ko, hindi naman ako perpektong tao. Kahit akoy nagsisilbi ngayon sa Diyos, hindi ibig sabihin, hindi na ako makakagawa ng kasalanan.
Dahil ba sa aking pagiging matanong, mapag-matyag, at pagiging observant eh, napupunta ako sa salitang "subukan ko nga"?? Siguro nga. Yun, hindi ko maiwasan na pagkatapos pala ng ginawa ko, magsisi ako. Pero alam nyo po, araw-araw, iniiwasan ko namang gawin ulit ang bagay na alam kong pinag-sisihan ko na dati.
Hay naku buhay!,kung kelan matanda na ako at marami na akong alam, saka naman ako marunong na ring gumawa ng kasalanan....
Talagang ganoon ang tao, pilitin man maging perpekto o hindi gumawa ng kasalanan, magagawa at magagawa pa rin nya ito, darating ka nalang sa isang katanungang walang sinuman ang makakasagot kundi sarili mo, "paano ba nangyari yun o di kaya, bakit ko ba nagawa yun"....
Pero eto rin po ang masasabi ko, hindi naman masama na nakagawa ka ng mali (not encouraging you to do mistakes), minsan, talagang kailangan mo pang gumawa ng isang bagay na pagsisihan mo para sa huli, mtutunan mo kung paano ba ang maging maayos at mabuting tao. Kailangan mo pang masaktan at manakit ng iba, kailangan pa na may umiyak at umiyak ka.
Ang bawat nangyayri sa iyong paligid ay may dahilan. Ikaw at ako at silang lahat ay may kanya-kanyang bagay na tatahakin na sya namang binigay ng Panginoon sa atin.
Masaya na ako sa buhay ko ngayon dahil nakilala ko ang Diyos, hindi ko kailangang sabihing "kung maibabalik ko lang ang panahon".... Ang panahong iyon ay nakalipas na, kung nagkamali man ako, kung marami man akong nasaktan at hindi nahingan ng tawad, alam ko na darating ang araw, maitutuwid ko rin ang mga bagay na iyon....
Pero dapat rin nating malaman sa bawat sarili natin na tayong lahat ay nabubuhay pa sa mundo. Hindi natin dapat pilitin ang ating na maging perpekto at hindi na gumawa ng kasalanan. "WE HAVE TO FACE THE REALITY!"
Comments
Post a Comment
Say something...