"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!

Marahil hindi na nga bago sa atin ang katagang ito, kadalasan, naririnig natin ang mga statements na ito mula sa ating supportive na mga kaibigan, even on our own selves, sinasabihan natin ang ating sarili nito lalo na sa panahon ng kaguluhan at sa panahong hindi mo na halos maintindihan ang mga bagay-bagay; problema sa eskwela, sa pamilya, sa trabaho and many other degrading scenarios. Sa kabilang dako, tayo pa rin ay nagpapatuloy sa atung pamumuhay higit sa anupaman.

Bilang isang may karanasan na sa iba't ibang pangyayari, mapa negatibo man o positibong aspeto, sobrang napakarami na ng naituro ang mga experiences ko, ikanga nila, experience is the best teacher. Ngunit, ikaw ba ay naniniwala na ang experience na yan ay hindi kailanman magiging katanggap-tanggap hangga't sa sarili mo ay walang lugar ang pagbabago. Pero sabi nga di ba, "Laban lang!"

Maraming paraan upang ating lubos na maintindihan ang buong katotohanang hatid sa atin ng mga pangayayari at mga bagay-bagay. Narito ang aking mga views and opinion:

※ Una, sa lahat ng pagkakataong sa tingin mo ay lugmok at sobrang bigat na ng buhay na tila baga pasan mo na ang buong Palasyo ng Malakanyang, higit mong isipin at ilagay sa puso mo na HINDI LANG IKAW ANG NAG-IISA dito sa Mundo. Kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya, well. Come to think again, paano kinaya ng iba? Laban lang!

※ Pangalawa, panatilihing nakapokus sa mga bagay na yun talaga ang gusto mo at kung ano ba nararapat. Tandaan, nagkaiba ang "gustong gawin" sa "dapat gawin". Maaaring lahat ay pwde mong gawin, pero, ano ba talaga ang prayoridad mo? Kaya naman, para mapanindigan ang salitang "laban lang", make it very sure na may patutunguhan yang ipinaglalaban mo at siguraduhing nakaka benepisyo ka nito at the end of the day.

※ Pangatlo, paano mo ba iiwasan at lalampasan ang hindrances na syang sanhi ng pagiging weak at pagkakaroon mo ng tantrums and stresses? Again, maraming paraan, but I tell you, sa buhay natin dito sa Mundong ito, walang shortcut sa success, lahat ng bagay na gusto nating maabot ay kailangan nating pagpaguran. Kung sa tingin mo ay hindi mo alam kung paano, isipin mo na lang kung paano ka nakapagsimula. Dahil kung may rason ka sa mga bagay na sinimulan mo, hinding-hindi ka mawawalan ng rason upang huminto at itigil ang laban.

※ Pang-apat, sino ka at ano ka mula noon hanggang ngayon? Ang pagpursige mo na maabot at gawing totoo ang mga pangarap mo ay syang magiging dahilan kung ano'ng klaseng indibidwal ka in the future. Pwro huwag mong kakalimutan na ang nakaraan mong buhay ang syang magiging katuwang mo upang maging basehan mo ito kung may dapat ka bang baguhin o kung may dapat ka bang alisin sa personlidad at ugali mo. Kapag patuloy kang lumalaban sa mga pangarap mo, hindi magiging sagabal ang perceptions mo kung magiging anon klaseng tao ka.

※ Ang pinaka importante sa lahat ng ito ay ang pagkakaroon mo nga matibay na FAITH sa Panginoon. Oo, alam mo na kaya mo at may kakayanan kang lumaban at gawing totoo ang mga pangarap mo, pero isipin mo nga, ano ba ang sense of purpose mo? Ano ba ang essence ng pagkakaroon mo ng guts upang ma-achieve lahat ng gusto mo? Because in the first place, you want to show God na ginagawa mo ang mga kagustohan Niya for you, and everything follows.

Sa bawat labanan, importanteng alam mo ang pinaglalaban mo. Dapat alam mo ang tama sa mali, at ang mali sa tama. Hindi lahat ng nakikita at naririnig mo ay totoo, because most of the time, kapag obvious, hindi talaga yun ang totoo, minsan nagiging patibong lang ito upang masubukan ang iyong katatagan at ang pag gamit mo sa iyong pag iisip and at the end of the day, ikaw lang din ang makikinabang sa lahat ng iyong ipinaglaban.

Take your time! Hindi naman daw dapat magmadali, because God isnot a hurry God. walang shortcut sa success, walang shortcut sa tunay buhay, kaya kung nahihirapan ka, isipin mo na maraming paraan upang maging successful ka sa bawat ginagawa mo ngayon. 

Laban lang!

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola