Ang Hindi pa Dapat Maranasan - Talumpati


            Sa panahon natin ngayon, marahil hindi na bago sa atin ang usaping “sex” o pakikipagtalik, kahit sinong tao, bata man o matanda ay halos normal na lamang ang pag usapan ito, dagdag pa, ignorante na lamang daw ang hindi pa nakakaranas ng pakikipagtalik at kung sino man ang wala pang karanasan ay sinasabing napag-iiwanan na ng kabihasnan. Ganunpaman, ang pagiging birhen ay isang napakalaking bagay na dapat nating maipagmalaki hanggang sa tayo ay maikasal.


            Lahat tayo ay may kanya-kanyang istilo ng pamumuhay, may kanya-kanyang pananaw at paniniwala. Maaring para sa atin ay tama o mali, pero kabaliktaran naman ito sa kanila, bagkus ay dapat rin nating maunawaan at intindihin ang buong katotohanan sa likod ng ating mga nakikita at naririnig, lalong-lalo na sa usaping “Kasal Muna, Bago Talik”.


            Ang konseptong ito raw ay sinasabing hindi na raw maaaring i-aplay sa kasalukuyan nating panahon, at ang masaklap pa, nagiging kathang isip na lamang ang bagay na ito, marami dyan ay pinagtatawanan ka na lamang kung ikaw ay napapabilang pa sa mga taong hindi pa nakakaranas. Sa kabilang dako, masasabi kong makakatotohanan rin ang bagay na ito, sapagkat minsan ay hindi natin nakikilala ang ating mga sarili, lalo na sa panahon ng ating kahinaan, pero alam ko kaya natin itong maiwasan sa pamamagitan ng matuwid na pag-iisip. Ngunit, para sa ibang nakaranas na sa una at pangalawang beses, hindi malayong ulitin pang muli sa marami pang pang panahon, dahil nagiging tipikal na lamang at hindi na bago para sa kanila ang pakikipagtalik, kahit na hindi pa sila ikinasal.



            Maraming paraan upang tayo ay makaiwas sa tukso, at para sa akin, sa araw ng aking kasal, wala nang hihigit pa sa regalong ito, ang uri ng regalong hindin nabibili, hindi nababalot at hindi basta-basta ibinibigay sa kahit na sinong tao, ito ang regalo ng pagiging birhen at puro na humaharap sa Altar at sa Panginoon na paniguradong ang magiging asawa lang natin ang pagbibigyan nito.





Orihinal na Talumpati ni: Eleazar D. Calixtro

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!