A RELATIONSHIP STORY. (A shared love story from one of my friend -Richard Paul)


One day i fall to someone na hindi ko inakala na magiging kami ng girl, GIRLFRIEND siya dati ng kaibigan ko na lalake then after they broke up i tried na ligawan ang girl, and nag paalam namn ako sa kaibigan ko na liligawan ko siya at pumayag naman ang kaibigan ko although wala na sila. kahit ganun nagpaalam parin ako kasi nirerespeto ko kasi pagkakaibigan namin. at hanggang sa naging kami talaga ng GIRL, then 1st monthsary namin is her BIRTHDAY nov. 13 andun kami sa dagat ininvite niya kasi ako at yung kaibigan ko na boyfriend niya dati and isa pang kaibigan ko, marami kami kasi andun din yung mga kaibigan niya ang "13 marias" as usual party.

Hanggang sa nag tagal pinakilala na niya ako sa kanyang ama kasi gusto ko rin na makilala pamilya niya ayoko ko kasing tago na relasyon kasi ang pangit ng ganun at nakilala ko yung papa niya nag usap kami tapos lasing pa at that time yung ama niya na nakipag usap sa akin natakot pa ako :) hindi ko alam nagtago pala yung Ex ko sa likuran namin at nakikinig sa usapan namin ng kanyang ama hanggang sa nagtagal tinanggap ako ng kanyang pamilya at nakilala ko yung mama niya kasi separated family kasi sila wala naman problema sa kanyang mama kasi sa una palang daw niya akong nakilala and nakita alam naraw niya na mabuti naman ko na lalaki para sa kanyang anak.

Dumaan ang mga araw likewise sa mag boyfriend at girlfriend nag aaway na then she started na magsinungaling saken kahit nasa trabaho ako tinitxt ko siya kung asan siya ngayun,kumain naba siya etc. then sa pag uwi ko galing trabaho minsan nakita ko nalang sila ng mga kaibigan niya na nakikipag inuman na may kasamang mga lalaki tapos ang paalam niya andun lang daw siya sa bahay nila humihiga. sakit pala ng ganun anu? na masisira yung EXPECTATIONS? pag ako malelate sa oras na aming pinag usapan hindi pa lalabas ang araw andun na ako sa kanila bitbit ang mga bulak lak to say sorry sa nangyari. binigay ko lahat LOVE,EFFORT,FAITH FULL,LOYALTY, and HONESTY. kahit nga pagod na ako sa trabaho hindi ko inaalintana o pinapakita sa kanya na pagod ako kahit gabi na masyado ako maka uwi pupuntahan ko pa siya para dalahan ng pagkain kasi mahal mo siya eh kinain ko pride ko kasi napaka tigas ng ulo niya hindi mapagsabihan kahit parents niya ayaw paawat pinagtanggol ko na siya sa lahat kinalimutan ko na mga kaibigan ko para sa kanya umiwas ako sa bisyo para sa kanya halos araw-araw kami nagkikita kahit restday ko imbis sa bahay lang ako hihiga pero hindi pinupuntahn ko parin siya dinadalahan ng pasalubong may isang beses pa na we decided na we will watch the pageant kasi fiesta yun tapos nalate lang ako ng ilang oras di na nya ako sinipot at sumama na pala siya sa lalaki na FLING nya? halos tinanong ko na mga tao na kilala niya doon na nakita ba nila siya pero wala! umalis ako na mabigat loob ko kasi di man lang niya inisip na byabyahe pa ako galing downtown sa trabaho patungong toril? tapos umiiyak ako dito sa amin sa labas kasi may duyan at doon ako nagpaliaps ng hinanakit at oras at para bang may inaantay na darating at ayun bigla nga siyang dumating at hiniram pa niya yung motor ng lalaki na fling niya kasama ng mga kaibigan niya na babae siya yung nag drive sa motor then tumakbo ako palabas ng gate namin at hinabol ko siya bigla niyang hinarorot ang motor tumatakbo ako habang umiiyak nabigtas pa yung tsinelas na aking ginamit at nadapa ako hindi ko sila naabutan kasi sobrang bilis ng takbo at malayo na sila. parang DAO MENG SEI at SANCHAI ng F4 kumbaga? :) kakatawa anu? .

Hanggang isang araw lumala na yung bangayan namin hindi lang isang beses niyang ginawa na magsinungaling sa akin ilang ulit pa harap harapan ko pa nakikita ang mga lalaki na FLING niya :'(. pero pinatawad ko parin siya at hanggang sa may napansin ako sa kanya na lage siyang naka harap sa kanyang cellphone na para bang may inaabangan na magtext at minsan sinagot ko yung nag call sa kanya tapos lalaki tinanong ko sinu ba yung hinahanp niya sabi niya yung Ex ko raw? sabi ko sinu kaba? then ayun binaba nya ang phone tapos biglang dumating yung Ex ko na parang natataranta pinagalitan ako bakit ko raw sinagot yung tawag. ayun dun ako nagduda hindi ko alam na may napapansin narin pala ang kapatid niya na babae sa kanyang ate. hanggang sa nalaman ko sa kanyang mga kaibigan at bestfriend na nakikipagkita na pala siya doon sa lalaki at sa una ayaw ko pang maniwala sa sabi-sabi kasi tinatanong ko ang EX ko kung totoo ba denideny naman niya na hindi daw totoo hanggang sa nalaman ko nalang na pumunta na pala siya doon sa lugar ng lalaki at nagsasama sila almost 1 week sya nawawala sa kanila sinasabi niya andun daw siya sa kanyang bestfriend pero ang totoo andun siya sa bahay ng lalaki na malayo dito sa TORIL DAVAO CITY at habang pauwi ako galing trabaho GRAVEYARD ako wla pang tulog may nagtxt saken na bestfriend niya na puntahan ko daw yung ex ko ngayon doon sa lugar ng lalaki at pinuntahan ko din naman kasama ng kanyang INA at KAPATID at yung bestfriend nya na nagtext saken para maliwanagan na ako at kami kung anu ang totoo..

Hanggang sa nakaabot na kami sa lugar ng lalaki at hindi ko inakala at hindi ko alam kung anu yung mafefeel ko sa nakita ng dalawang mata ko lumabas silang dalawa sa bahay na tinutuluyan ng lalaki kasama yung ex ko na magkahawak kamay silang dalawa na puno ng luha ang mata ng EX ko. at ang ginawa ko tumalikod ako at sinabi ko na tara UWI na tayo sobrang sakit ang naramdaman ko sa hirap at pagod na ginawa ko para sa kanya hindi niya inisip kung ganu kasakit ang mararamdamn ko.

Sa Umpisa hindi ko pa matanggap na ganun sinubukan kung magpakamatay sa harapan niya, sinuntok ko ang sementong bakuran namin at dumugo yung mga kamay ko at namaga, tinalian ko leeg ko ng cable wire na nasa harapan niya, naglas las ako sa harapan niya hanggang ngayun andito pa ang scars sa kamay ko ang bakas, at napansin ito ng mga kaibigan ko na katrabaho ko bakit daw may mga pasa pasa yung leeg ko at kmay bakit ko daw ginagawang kawawa ang sarili ko sa babaeng di naman deserve sa pagmamahal ko? araw-araw lagi akong naglalasing kasama yung ibang barkada niya na "13 Marias" sila yung nag aadvice saken kasama nayung mga kaibigan ko at ka trabaho ko sa hotel at mga kapitbahay nila na kilala na ako kung sino ako at alam kung ganu ko ka mahal siya sinabi pa ng isang kapitbahay nila na "alam mo GIRL di kana makakakita ng lalaki na katulad ni Richard na sobra kang minahal konte nalang ang mga lalaki na ganyan" . alam niyu ba anu natutunan ko sa parteng ito? Wag mo na subukang buohin ang basag na bote kapag ito ay nahulog na kasi ikaw at ikaw din ang masasaktan at masusugatan sa huli"

At nagkahiwaly kami sa 18 b-day ng kanyang kapatid i think it's month of MAY? nagpasya kaming dalawa na di na pwede buohin pa o e continue ang sa amin na nasimulan at umiyak ng umiyak siya at namaga ang kanyang mata she HUG me very tight and she say sorry na hindi daw nya kayang pantayan yung pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya. at hanggang tumawag yung lalaki sa akin at sinabi na " pre mahal ko siya at ayaw ko mawala siya" at sinabi ko kahit masakit at mabigat sa loob ko sinabi ko sa kanya na sige magpaparaya ako ibibigay ko siya sayo pero tandaan mo ingatan mo siya gaya ng pag iingat ko sa kanya tumbasan mo yung pagmamahal ko sa kanya at wag na wag mo siyang sasaktan kung gagawin mo yun babawiin ko siya sayo mahal ko siya kaya ginagawa ko to para sa kanya sa ika liligaya niya at may sinabi siya sa akin na " pre hindi nabibili ng pera ang pagmamahal" sagot ko naman OO tama ka pero yung pera na pinagbibili namin o kinakain namin eh galing sa PAWIS ko yan hindi ko yan hiningi sa mga magulang ko nililinis ko ang bawat KWARTO sa HOTEL para magka pera kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin yan. at ayun nagkahiwalay na kami officially.

Hanggang sa 21th b-day ko sinabihan ko ex ko na sana andiyan ka sa araw nayan kahit wla na tayo at sa mata ng mga tao b-day gift mo nalang sken yan. at hindi niya ako binigo at ilang araw lumipas after my b-day may naramdamsn ako na sumakit tiyan ko at hindi ko maigalaw kamay ko hanggang sa naoperhan ako at mabuti nalang andun siya that time para magbantay at para isugod ako sa hospital hanggang sa operasyon ko andun siya hanggang sa paglabas ko almost 1 month ako sa hospital siya yung nagbantay nagpapsalamat ako that time although wala na kami pero naisip ko bigla na sinasaktan ko yung sarili ko sa ginagawa ko na andiyan siya sa tabi ko nagbabantay pero iba na laman ng puso niya at alam ko na nagsasama na sila ng kanyang bagong boyfriend sinabihan ko siya paglabas ko sa hospital na wag kana bumalik pa kasi nakokonsenya na ako ang pangit tignan.pero nagpasalamat ako sa kanya dahil tinulungan parin niya ako kahit wala na kami at yun umalis na siya at di na kami nagkikita . 

Hanggang sa naoperahan ulit ako dahil pumalpak yung unang operasyon na kamuntik ko na ikamatay kasi bigla akong pumayat at di na makatayo at lumalaki tiyan ko halos 4 months ako nag sacrifice na inakala ko na gagaling ako pero hindi at nag decide kami na magpa check sa isang pribadong hospital. at ayun wala na akong balita sa kanya. at di niya nalaman siguro na naoperahan ako ulit. at nabalitaan ko nalang after nag successful yung ikalawang operasyon ko na nagsasama na sila nung lalaki at shes pregnant now at tanggap ko na na wala na kami at masaya na ako para sa kanya ngayun. :) na walang hinanakit. marami akong natutunan na naging kami natoto akong umiyak, masaktan, magparaya at natoto ako kung panu magmahal ng tapat sa isang napaka halagang bagay na minsan lang darating sa buhay mo yun yung MAGMAHAL ka at MAHALIN ka almost 1 year and 1 month kami we started @ NOv. 13 and we end @ month of MAY which is 13 months na kami..


"KUNG MAGMAMAHAL KA SA TAONG DI KA SIGURADO MAS MABUTING IBIGAY MO NALANG ANG PARTE MO NG BUONG BUO PARA KUNG DARATING ANG PANAHON MAIISIP MO NALANG NA HINDI KA NAGKULANG at MAYNAPATUNAYAN KA SA BUHAY MO NA TAPAT KA MAGMAHAL NA WALA KANG NASAKTAN AT NASAGASAAN"

NOTE: " Sa naka basa na nito wag ninyu ilahat kaming mga lalaki kasi di lahat ay nilalaro lang ang mga babae marunong din kaming masaktan at marunong din kaming magpahalaga at magmahal " 


Comments

Popular posts from this blog

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!