Full Time Student-Full Time Employee

Image may contain: 3 people, including Eleazar D. Calixtro, people smiling, people standingTrabahanteng Estudyante. In English, Working Student.

I'd like to share my story, this may be a bit long, but the purpose for this is to inspire others...

Quote:
"Financial crisis is NOT really the reason why an 'out-of-School-youth' exists, but it is a personal choice NOT to go to School. Financial crisis is NOT an excuse why an individual cannot go to college, because our ability to think properly is the one that we have in order for us to sustain our decisions, specially when we are thinking about how to start and how to end our chosen destination. Going to college is not an easy thing when you know from the very beginning that no one can support you even your family, but you have a choice to really go or just let this issue stops you. Life is a matter of choice, life is what we make it, we create our own destination." - Elly


***

Lumaki at namulat ako sa katotohanang kami ay mahirap. Pero noong panahon, masaya ang buhay, kontento sa kung anong meron lasi akala ko, ganun na talaga ang buhay namin.

At Kapag sinabi kong mahirap, yun yung panahong nakakaranas kami kumain ng hindi sapat sa isang araw ng ilang beses, yung walang baong pera pagpunta sa skul, yung lalakarin namin ang ilang kilometro papunta skul, tatawid ng hindi naman ganun kataas na bundok at may kasama pa yung dalawang ilog na kapag bumaha at tataas pa ang tubig, maghihintay kami na bumaba ang tubig para kami na ay maka uwi sa amin. Yung mga panahong pag pupunta na kami sa skul ng kapatid ko, kailangan din namin magdala ng empty na container para ma sidlan ng tubig bilang inumin dun sa may ilog (hindi sa ilog ng sapa ang tubig), at pagka uwi namin galing skul, dala na namin ang container na may laman ng tubig. Yung panahong ang kabuhayan namin ay pag co-copra, mga hayop na inaalagaan tulad ng kalabaw, baboy at kambing. Yung panahong ang tanging ilaw namin at lampara lang kasi wala kaming kuryente. Yung panahong kailangan ko rin tumulong na magbenta ng mga prutas sa palengke gaya ng avocado, saging, rambutan at santol (meron kaming mga puno neto sa amin). Minsan pa ay nahihiya ako kapag nandon na ako sa palengke namin kasi baka makita ako ng mga classmates ko, pero wala eh, ganun talaga ang buhay, kailangan kong manindigan kasi yun ang alam kong dapat na gawin. Eto yung mga panahong sa bukid pa kami nakatira, at tanging kami lang nag naninirahan sa lupa ng aking lolo na medyo may kalakihan din. At nabuhay kami sa ganitong arrangement mula Kinder hanggang first year hayskul. Ang tanging nagpapasaya lang naman sa amin dun eh lagi din kaming naglalaro ng mga pinsan ko at naliligo sa ilog, kahit sila ay nakatira sa kabilang bundok, nagtatawagan nalang kami kasi nag-e-echo yung mga boses namin dun at naririnig naman namin ang isat-isa.


Naging maayos at nakaraos din sa ganitong arrangement, at gaya ng sabi ko, kontento na ako kasi akala ko ganun na talaga ang buhay namin nun. At kahit ganunpaman din, hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko. Mula kinder hanggang nag graduate ako ng Elementary sa amin, maganda naman ang mga grades ko at hindi nawawala sa list of honors (honestly) , minsa 1st, 2nd at 3rd honor, at nagpapalit palit lang yan hanggang sa Grade 6 na ako. Naranasan ko din yung time na ang mama ko, laging natatawag sa harap ng stage para sa award ko ng pauli-ulit, at alam ko, sobrang proud yung parents ko sa akin kahit hindi sila vocal at kahit walang selebrasyon at handaan, masaya na ako na uma-attend si Mama at nakikita ko sya na aakyat sa stage para isuot sa akin ang Medal at Ribbon.

Nung nag 2nd year hayskul ako, dun na kami nanirahan sa medyo syudad na ng kunti, alam mo yung lugar na nakakapanibago, yung wala ka nang nakikitang kalabaw at kambing, akala ko nga nun magiging okay na ako kasi hindi na rin ako mag iigib ng tubig mula sa ilog at aakyat ng bundok. Pero ganunpaman, pera pa rin ang talaga kulang.

Nag aral ako sa public school, at ang Mama ko, nagta-trabaho bilang isang katulong dun lang din naman sa mga relatives namin kasi kinukuha sya, at habang papa ko naman eh umiikot yan sa lugar namin at para bumili ng mga bakal, bote, plastic at lata kasama nya ang kanya bisekletang may tatlonggulong.

Nag aral ako na walang kasamang Mama sa bahay kasi dun sya nag-aalaga sa ibang bata, ang papa ko eh hindi naman ganun ka hands on sa amin. Ang pera ng Mama ko ang pinang gagastos sa pag -aaral, at ang tanging pangako ko lang sa sarili at sa parents ko nun eh ipagpapatuloy ko ang nasimulan kong achievements nung Elementary, at etoy napanindigan ko naman. Kapag wala kong pasok minsan, pinasama akong papa ko mag ikot, kahit alam mo nahihiya nga ako kasi takot ako makita ng mga classmates at mga kakilala ko sa skul kasi minsa din naman ako naging popular dahil sa pagiging active ko. Pero kinain ko ang hiya, kasi alam ko kailangan kong tumulong. Dun ko rin nasimulang mag isip isip na hindi pwde na ganito nalang kami, "kailangan may gagawin ako..."

Graduate ako ng hayskul bilang part na din ng honorable students, kasi marami na rin may mas matatalino. Hahaha.. Pero nagkaroon na akong mga kaibigan nun, at alam nila ang buhay kwento ng buong buhay ko, (hanggang ngayon friends pa rin kami, alam nyo na kung sino kayo). Batch 2009. After I graduated, na realized ko na wala pala kaming pera para makapag aral ako sa college, yung mga ka klase ko, nakapag enroll na, nahihiya ako sagutin kapag nagtatanong sila kung bakit hindi ako magpa enroll, pero "wala kaming pera", yun lang lagi ang reason. Bumalik ako sa point na kailangan may gagawin ako, nag trabaho ako, at naging maganda naman ang status ko sa trabaho, nagpatulong ako sa mga kapatid ko na tulungan ako mag-aral sa college pero hindi sila interesado (alam kong kaya nila kasi bunso ako at wala pa silang pamilya, kaya nasabi kong hindi lang sila interesado). Na regular man ako sa work at tumagal, pero ang sweldo ko hindi talaga kaya na pang aral at pag bibigay pa sa parents ko. Kaya, mula nung year na nag graduate ako ng hayskul, hanggang 2013, trabaho lang talaga ako at hindi nakapag enroll sa college. Nakaka inggit nga, yung mga classmates ko, at that year, graduate na silanng college, but it was my motivation, I desired to wear a black toga, one day... Nag resign ako sa pinag trabahuan ko, kasi ang rason ko, gusto ko makahanap ng Minimum na sahod, kasi alam ko kapag yun ang nakukuha kong sahod, kaya kong makapag aral. At Si Lord talaga ay sobrang bait binigyan agad ako ng work na minimum na sahod. Sakto, makakapag bigay ako sa parents at makakapag aral na ako. Ganito lang po ang dalangin ko na sahod nuon. Na regular ako sa company, bilang isang Merchandiser, sa SM supermarket ang assignment. Naghanap ako ng skul na pwde ako makapag enrol habang nagta-trabaho, at saktong meron nga, nataon pang gustong gusto ko na kurso, ang BSBA - Mktg Mgt. Nung pagka enroll ko. Sinabi ko sa Mama ko na nag enroll ako sa college at hindi sila mag worry kasi hindi ako hihingi ng pera para sa pag aaral ko, at kahit nag -aaral ako, pinagpatuloy ko pa rin ang financial assistance ko sa parents.

Sinabi ko sa kay Mama na kung nabuhay man ako na mahirap, ayokong mamatay na mahirap. Kaya lahat ng gastusin sa School, kinaya ko at hindi rin napapabayaan ang pagbibigay ko rin ng pera sa kanila kada sahod ko. Nagpatuloy ako, kahit ramdam kong wala akong support sa pamilya ko (mahabang estorya), pero may pinanghahawakan akong prinsipyo at isa yun sa nagpapa-motivate sa akin. Alam mo yung feeling na sobrang nakakapagod na, katawan at utak ko, pati emosyon ko, pagod na pagod na, tapos yung mismong pamilya ko, parang wala ding paki-alam, yung polo ko na school uniform, ako pa nagpa-plantsa, minsan dala-dala ko school uniform ko sa trabaho lasi strikto din yung school. Yung mga panahong pagka out mo ng 4pm sa work, may pasok ka 5pm sa school kaya wala nang panahon para mag plantsa ng uniform kasi may kalayoan din yung bahay namin mula sa work at skul.

Oo, talagang sobrang pagod na pagod na ako, at marami akong rason kung bakit minsan, naiisip ko na ayoko na rin ipagpatuloy dahil sa sitwasyon ko (very long story), pero nararamdaman ko ang support ng mga kaibigan ko, nararamdaman ko na suportado ako sa Mgt. Na pinag ta-trabahoan ko, kaya hindi ako sumuko. Nakakapagod na yung panahong wala kang matatakbuhan pag kailangan mo ng pera kasi yung sahod mo sa makalawa pa tapos yung bayad ng exam deadline na bukas, pero God has always been very good to me, hindi ako pinabayaan kasi andyan ang mga kaibigan at kasamahan ko sa work na pwde ko utangan minsan. God is a provider. Believe it.

Dito ko na tatapusin ang kwento ng buhay kahit hindi kompleto ay hindi ko iisa isahin pa. Alam ko na maraming nakakakilala sa akin, marami kayo, kilala nyo ako kung ano ang sitwasyon ko, alam ko na alam nyo kung ano napagdaanan ko, at alam nyo lahit gaano kahirap ang punagdaanan ko, hindi ako humingi ng financial assistance kasi hindi ako nasanay na humingi kahit aa prents ko, kaya natuto akong maging independent sa lahat lahat. Pero kayo na mga tao kayo, na tinulungan ako, kahit hindi ako humingi, I know, God used you guys para ma -lift up ako at magpa tuloy, kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit na sustain ang bawat plano ko.

Pasasalamat...

Kaya naman, ngayong araw na to, kayo'y pasasalamatan ko, just to THANK YOU for everything. I know, that this may not be enough , but, THANK YOU. REALLY. That would explain everything.

Unang una, nagpapasalamat ako, (sayo) Ate Maurine, marami na tayong napag usapan sa chat. Alam mo kung gaano ako ka thankful Kay Lord dahil ginamit ka nya bilang blessing sa buhay ko, at sa buong pamilya. Habang buhay kong tatanawing utang na loob ang kabutihan mo sa akin, sa amin. Dalangin ko na matupad at e-grant Ni Lord ang mga desires mo at nang buong pamilya mo. Salamat jud kaayo!!

Para dun sa mga taong nagbigay ng pera para sa yearbook namin, salamat ng marami. Kabalo na mo kung kinsa mo. (Auntie Bing, Mommy Lang, Ate Nenet ug Mark)

Para sa mga kaibigan ko mula hayskul hanggang ngayon, salamat sa inspirasyon. Dun sa mga taong tumulong sa akin sa trabaho na minsan kelangan kong umabsent at mag undertime, salamat sa favors, mga taga SAVEMORE BANGKAL at taga SVI Davao na nakasama ko dati, nakilala nyo ako at suportado nyo ako sa lahat, pinasasalamatan ko talaga kayo kasi sa bawat favor, sa schedule na binibigay nyo sa akin, sa mga request ko kasi hindi pwde lumiban sa klase, iniintindi nyo ako, alam nyo kung sinu-sino kayong lahat. Sa taong nag regular sa akin sa work, Sir Sam at buong kasamahan ko sa Ace Promotion ang Mktg Corp, mahal ko kayong lahat. Para sa mga kasamahan kong Merchandiser, salamat sa respeto nnyo, thank you sa tulong, sa bonding, alam nyo kung sino kayo. Hinding hindi ko kayo makakalimutan kung saan mang lupalop ako mapunta kasi I really valued all of you, alam ng Panginoon kung gaano ako ka thankful sa lahat lahat.

Dun sa recent company na kaka resign ko lang, SGS Davao, salamat rin sa kunting panahon na nagsama tayo, may nga panahon mang ayaw nyo sa akin, pero choco lang yun.. Hahaha.. Sa mga superiors, I know there were times I was insisting for a request due to school activities, and you gave me favor, a lot of thanks to you.

Para dun sa mga classmates ko sa college, isang karangalan na magkaroon ako ng mga ka-klase na working students na ang trabaho ay katulong sa bahay, nagbabantay ng cellphone shop, at iba pang trabaho na alam kong medyo hindi kalakihan ang sahod, inspirasyon ko kayo guys, hindi ko man nasasabi pero alam ko parin mas swerte ako kesa inyo, pero nagpapatuloy kayo mag-aral. Sana maging inspirasyon tayong lahat sa bawat taong ang tanging rason na hindi daw nag aral ng college eh 'walang pera', pero pinatunayan natin na hindi yun ang rason.

Sa grupo ko, #FnE Family, I love you guys, alam nyo kung gaano ako ka thankful na nagkasama tayo, at magsasama pa tayo sa mga plano natin...

Sa mga professors na grabe ang trust sa akoa, alam nyo kung sino kayo, salamat sa o
opportunities na binigay nyo sa akin, at naramdaman ko rin na ako ay estudyante.

Sa mga taong nagsasabi na napaka gastador ko, laagan, bayot pajud, ug bisag unsa pa, sagdi lang ko guys, wa bitaw ko nangayo sa inyoha ug kwarta, just love! Pero kung nakikilala nyo lang ako, maiintindihan nyo kung bakit at ano yung mga reasons ko why you see me like that. Okay ra na guys, padayon lang. But God restored me now.

All of guys sustain the lack of family support. Ayokong questionin ang abilidad ng pamilya at Mama ko sa support nila kasi naiintindihan ko silang lahat. I know God sent you out and got to know me because He used you to be my reason para ako bumangon. Kayong lahat na naging parte ng buhay ko, habang buhay ko itong dadalhin.

Kayo rin ang isa sa napakaraming dahilan kung bakit ako nagpatuloy at magpapatuloy pa. Again, MARAMING SALAMAT!

My final message...

Now I'm finally wearing the black toga, a 4-year college adventure has never been that easy. Swear. I knew that I needed money that's why I had to make a way of earning while learning. I learned and earned the hardest way, how to manage time, deal stresses and work under pressure. I learned about the word PRIORITIES. We all have different perspectives in life, some would just like to settle what they currently have, they are happy, and I understand them, however in my own views, there must be a way for everything in making a difference. There must always be a way for every closed door. To work is a choice, to study is also a choice. Doing both are also a decision that will require a long term commitment, and it will require a person to be straightforward, and a not-changing mind for a long term decision. Being a working student made me a better person, I was once only a "magbubukid" who used to sell fruits in the market, did farming, and used to have pigs, goats and carabao as my pets. But as time goes, I came to realized, that again, there should be a way to make a difference, there should be a way to change our lives according to our plans, and God's plan. It was only a dream to wear a black toga, but never imagined, I am wearing it today, as they said, this should be the best OOTD for real. And God knows how thankful I am today for all the yesterday's blessings.

Now, success cannot be appreciated without you working on it. It must be worked harder and smarter to make it worthy. Once again, above all these, all will be useless without the Holy Spirit of God that always guides my way, enlightens my mind and restores all the worries and doubts I have. Now I am giving back to Him the glory and honor.

Thank you to all who read the message.

The purpose of sharing my little story is to convey and persuade those out of school youth individuals, that the lack of money or financial crisis is not tha main reason why you guys exist, but it is our choice to be part of it. There are lots of ways, you can avail for a scholarsip from the Government, pwde ka mamasukan bilang katulong at mag aral ka, you can also be a scholar withthe School itself (Student Asst, Varsity or any org), or,just like me, you can work outside while studying. Know that it's not about being intelligent that matters, but it's about how wise we are to live our lives, and that does not requires you to be a well-off youth. What will happen next to your life, is all up to you. CHOICE. But,  never forget to ask God's guidance for your decisions.

This has been Elly. I, thank you!


ELEAZAR D. CALIXTRO
BS in Business Administration major in Marketing Management
St. John Paul II College of Davao
Dean's Lister
Batch 2017-2018


Comments

Popular posts from this blog

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!