Kaibigang Nagpa-iwan at Nanatiling Matatag
Oo, aminado ako, minsa naiinggit ako sa iba sa aming magbabarkada, meron sa aming graduate na sa college, professional na sila, syempre meron din namang ganun pa rin tulad ng dati.
Sa kabilang banda, para naman sa akin eh, napaka halaga ng pagkakaibigan namin, dahil dun, natuto ako kung paano ba ang maging isang tao, maging isang totoong tao na marunong magpahalaga sa pagkakaibigan. Kahit na minsan, hindi rin maiiwasang may awayan at hindi pagkakaintindihan, pero sa huli kami-kami pa rin naman ang magdadamayan.
Natuto rin ako kung paano maging praktikal, kung saan na ko-kompara ko ang sarili ko na ang pagiging isang hipokrito sa kapwa ay hindi nagdudulot ng kabutihan. Kung may probleman pinansyal, kami-kami rin ang nag uutangan. :)
Marahil nga eh, through the years, it's been a good yet it became to the highest level na ang turing ko sa kanila bilang isang kaibigan, kung wala sila, hindi kompleto ang buhay ko, kulang na kulang, sa puntong wala akong mapag-hihingan ng advices sa buhay, love life, at kung anu-ano pang mga problemang hinaharap ko. Oo, silang lahat kilala ko at lalong kilala nila ako, at dahil dito, naututunan ko kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na kaibigan.
Matapos ang ilang taon mula sa graduation namin, hindi man lahat pero masaya pa rin akong may nagpaiwan sa grupo. Kahit ngayon eh may nag asawa na, may hindi pa rin nagkapag aral sa college, nagkaroon ng trabaho, may mga syota at iba naman nanatiling single in status tulad ko.
Every year, we actually celebrate our Annual Reunion, kahit pa hindi kompleto, ang importante, may darating, kahit hindi din ganun ka dami, pero ang saya ko kapag nakita ko sila eh walang hangganan.
Wala and hindi ko kailanman ipapagpalit ang barkada ko, barkadang alam ko ako rin ay hindi ako ipapagpalit sa sinuman, kahit pa syempre, may mga makikilala kaming bagong kaibigan tulad ng kasamahan sa trabaho, iba pa rin sila.
It's been years and counting, nanatili pa rin, I'm happy kasi hindi na kami masyadong nagkikita, meron kaming tinatawag na "reunion" kada taon, dyan ko na feel yung excitement na makita sila...
Masya ako kasi kagabi, nagkita ulit kami :))
Thanks guys, next time ulit!!
Comments
Post a Comment
Say something...