Ang taong nakikilala natin ay may hatid sa atin.

Mga kaibigan, mga taong nakilala natin at pamilya, sila yung mga typical na nakakasama natin sa bawat pagbuo ng ng araw. Masasabi nating kumpleto at higit anupaman, eh naging masaya ang naging takbo ng araw.

Sa bawat taong nakikilala natin, lahat nang ito'y may sinasabing kahulugan at rason, commonly, most people say na maaaring kailangan nila tayo, or kailangan natin sila sa ating buhay;

   Kailangan nila tayo, sa puntong maaaring tayo ang magpupuno,tutulong, at kaibigan upang magkaroon ng kwenta at magandang kahulugan ang buhay nila, kailangan nila tayo sa puntong 'baka' tayo ang magiging dahilan sa kanilang pag-unlad, at magpapasaya sa anumang lungkot na siansapit nila sa ngayon.
   Kailangan natin sila, sa puntong may mga bagay na hindi natin nakukuha mula lamang sa ating sariling kakayahan. Sa sarili natin, at iba pang pangangailangan emotionally speaking. Maaaring kailangan natin sila upang nang sa ganun, magiging masaya tayo sa bawat araw natin.

Pero sa aking pananaw, ang bawat taong nakikilala natin eh magsisilbing rason, upang malaman natin na ang buhay ay hindi lamang umiikot sa iisang lugar, banda, o sa iisang parte lang. Ang bawat taong nakikilala natin ay magsisilbing gabay, gabay sa dalawang punto, sila ay magiging tulong sa bawat sarili natin. Na kahit man sa anung sitwasyon, ito man ay negatibo o di naman kaya positibo man, magkakaroon pa rin ng significance ang bawat pangyayaring naidulot mula sa isang taong nakilala natin.

Minsan, ginagamit sila Ni Lord, upang magiging dahilan para tayo'y magkaroon ng experiences, at mula sa kanila, nagkakaroon tayo  ng leksyon at matuto sa mga ito.

Kaibigan, dyan napupunta ang pagsasamahan, na kapag tumatagal, may mga bagay na nagkaka-iindihan kayo, at sa bandang huli, nauuwi sa pag-sh-share ng mga experiences, problema at kahit sa mga masasayang araw ng buhay natin.

Sabi nga, sa dami-daming tao nakikilala natin, kahit man sila ay hindi rin nagtatagal sa company natin, mawawala, pero ikanga, "No man is an Island" kaya kahit man mawala ang isa, asahan mong may ipakikilala c Lord sa iyo...

Ngunit sa kahulihan, kailangan sa bawat nakikilala nating tao, magkaroon sana tayo ng tinatawag na "Common Sense" na sa bawat pangayayaring naidudulot nla sa ating buhay, hindi dapat kalimutang, tayo pa rin ang mag dedesisyon, sila lamang ay parte ng life story natin.

Pero tandaan din, Isa lang ang kaibigang tunay, na hindi nang-iiwan, at lagi nating maaasahan. Yan si Lord, hindi ka paman naisilan, eh sinubaybayan kana Nya.. kaya, hindi pa rn mag-iisa or hindi darating ang araw na mag-iisa ka nalang...

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!