Bawat Araw ay May Kahulugan

Sa buhay, hindi natin malalaman ang bawat mangyayari pa lamang sa susunod na mga oras at panahon. Hindi natin maatinag kung ano din ba ang dahilan kung bakit ito nangyayari at bakit nararanasan natin ito. Sa bawat panahon na dumadaan sa ating buhay, may mga bagay na minsan na rin na-take for granted, akala natin ay wala lamang itong significant sa atin, akala natin ay itoy maliit lang na pwde mo pang gawin sa susunod na pagkakataon. Katulad na lamang ng pagkakaroon magandang oportunidad, kung saan ito'y ibinigay na sa atin pero hindi natin napansin dahil sa rason o sa tingin mong may hinihintay ka o di naman kaya may may iba kang gusto.

Tama nga naman po, iisang beses lang talaga dadaan ang mga bagay-bagay, ang mga experiences, ang mga pangyayari at higit sa lahat ang mga opportunities, maaaring hindi mo man ito magustuhan, at dahil dun, maaring nasayang ang pagkakataong iyon.

Ikanga nila, lahat nga ay may dahilan, pero hindi naman po ibig sabihin na tayo ay mag hihintay na lang at maghihintay sa gusto nating bagay. Minsan ang gusto natin ay hindi yun ibinibigay ni Lord dahil alam Nyang may mas better pa dun sa gusto mo. Kung alam mo o napapansin m ong may pagkakataong pilit kang binabalikan, pilit na ipa-intindi sa iyo na dapat gawin mo na ngayon na... Maaaring ito ay hindi mo pa gusto, pero kapag nalaman mo ang ibig sabihin ng bawat pangyayari, malalaman mong ito na pala ang sagot sa lahat.

Tayong mga tao, hindi natin binigyang importansya ang bawat bagay sa araw-araw, kung mapapansin natin, sa bawat pag-gising natin, meron tayong tinatawag na everyday tasks, kung saan ang bawat ginagawa natin ay paulit-ulit lamang, kaya nagiging natural lang sa atin na i-take for granted ang mga opportunities na dumarating sa bawat buhay natin, kasi yung mindsets po natin ay nagkaroon na one option na dapat ay hindi natin gawin. People with One option, ito po ang tawag sa mga taong hindi nag-iisip ng ibang chances, sila po yung mga taong nakatuon lang sa iisang opinion, sa iisang idea, kaya ang nangyayari, sa huli po ay failure sila sa kanilang tasks na kung tutuusin paulit-ulit lang naman ang ginagawa natin sa bawat araw.

Hindi naman po requirement sa atin na dapat maging successful tayo sa bawat mga tasks everyday, ang kailangan lang nating gawin para maging productive ang araw eh sundin lang kung ano ba nagpapasaya sa atin wisely, magiging masaya tayo sa bawat pagkakataon na kung alam nating wala tayong nasasaktang tao. Kung mayroon man tayong hindi nagawa, eh hindi pa matatapos ang iilan pang mga araw, at habang tayo ay nabubuhay, magkakaroon pa tayo ng mga bagong tasks, bagong kaibigan na atin pang makikilala at iba pang mga experiences na sya ring magsasabi at magpapa-intindi sa atin kung ano ba ang buhay...

Marami pang bagay ang darating sa buhay natin, at sa kabilang banda, marami pa tayong matutunan. Hindi ibig sabihin na kung marami na tayong experiences eh alam na natin ang lahat, dahil kahit c Jesus ay may Ama na nagtuturo sa Kanya. Kahit naman tayo ay ta lamang, pero hindi dapat natin ilagay sa isip natin ang ideang "tao lang ako" na ok lang na magkamali, yes, apparently, ok lang magkamali, pero hindi po lagi na lang na excuse nating tao lang tayo, eh alam naman nating lahat kung ano ang ginagawa natin...

Lahat po ng pangyayari ay may dahilan, maaaring napakaliit nito, at hindi natin napansin sa una, pero ma realized natin yun sa huli kung bakit, kaya naman, para sa ating lahat, ang Panginoon po ay espesyal po gumawa, may panahong napakaliit ng ibinigay Nya, pero malaki po ang impact sa buhay natin, kaya dapat i-appreciate po natin iyon.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!