Biktima ng Akala - Isang Tula
Hello sa lahat, may nagawa akong tula ng pag-ibig. Ang speaker ng tula ay isang Babae na umasang sya ang natutunang mahalin ng crush nya.
"Biktima ng Akala" - E. Calixtro
Sa bawat araw, ikaw ang aking natatanaw.Kumikislap na mga mata at pakiwari'y hindi mo nahahalata,
Sa napakaraming beses, ikaw ang lagi'ng nami-mis.
Oh bakit nga ba hindi ko kayang ilihis, ang bawat tibok ng puso'y sobrang bilis.
Simula pa lang, nasabi ko, sana, sana, tayo'y magkakilala na,
Ayoko ko'ng masayang, bawat araw ay parang naguguwang.
Ang dumaraang pagkakataon, lage na lang nababaon.
Sa ngayo'y di ko masasabi, pag ibig ba ito oh kaya guni guni.
Alam ko'ng alam mo, at hindi ko rin maitago
Ang aking pagtingin parang nakalutang sa hangin.
Ako'y lage ngang umaasa kasi alam ko may nararamdaman ka,
Hindi nga lang ako sigurado kung para sa akin ba ito.
Kinikiliti ako parang tinutusok-tusok ng matalim na kuko.
Kahit san magpunta, nasa saiyo ang aking mga mata.
Minsan nahuli mo na rin, dahil minsan ako'y sobrang tanga rin.
Natulala nalang ako, at hindi ko rin maitago.
Isang araw lumingon sa akin, bitbit mo'y isang napakasarao na pagkain,
Ngunit hindi naman yun ang mahalaga, kasi ikaw naman ang sadya ko'ng talaga.
Naramdaman ko'ng ikaw ay lumapit, ang damdamin ko'y parang naiipit.
Aking naramdaman, parang kay lamig ng hanging amihan,
Ito'y isang karamdamang hindi ko pa naranasan.
Masarap, masaya at sobrang nakakabuang,
Bigla mo'ng hinawakan mga kamay ko'ng parang hinawakan ng kawatan.
Hindi ako nakagalaw, parang pandikit na gaw-gaw,
Akala mo tuloy ako'y napaso hindi sa apoy,
Ngunit sa isang napakalamig na yelo, at naninigas pa nga ako.
Hindi ko malimutan, may sinabi ka.
Natuto ka nang magmahal at sya lang ay nag iisa.
Dagdag mo pa, sya'y sobrang anghel ang ganda. At sabi mo, lage syang naka tanaw sa yo.
At ngayon, gusto mo na magtapat, sa panahong ako ang nakatapat.
Iyon ang panahong ayoko nang matapos,
Sa bawat minuto, mga mata mo'y sobrang maamo.
At ako naman, gusto ko nang malaman,
Sa isip ko, sana ako na nga yan.
Masarap malaman, masarap pakiramdaman.
Ang sinabi mo'y sana para sa akin nalang.
Sa panahong sobrang handa na ako,
Nakiwari ako na iyong paghandaan, kasi gusto ko'ng ipagsigawan.
Ang taong sobrang gusto ko, sa wakas ay may aaminin.
Hindi na makapag hintay, kahit kahit galit sa akin si Tatay.
Eto na eto na, pagdilat ng aking mga mata, mukha niya pa rin ay sobrang nakakamangha,
Nung tinanong ko na sya, sino ba ang ma swerteng tao na mahal nya,
Tinakpan ang aking mata, pinaka ikot ikot pa,
Inalis ang mga kamay, at na aninag ko ang aking kaibigan,
Nasa likod ka at may ibinulong.
"Sya ang mahal ko, tulungan mo naman itong puso ko'ng mapalapit sa kaibigan mo..."
Ang naramdaman kong lamig ay naging kasing init na ng apoy.
Naramdaman ko ang puso ko'y nalunod sa pagdurugo.
Sinabi ko sa'yo, "walang problema, at makakaasa ka", tanaw ko ang sayang marka sa yong mukha.
Nagbalik tanaw ako, simula nung panahong nagka titigan, at naisip ko'ang lahat at walang kwenta.
Yung damdamin na nag aalab at tumitibok sa kanya, ngayon ay napalitan ng pait at panghihinayang.
Nahirapan akong huminga, sa panahong nalaman ko'ng ang lahat ay puro akala.
Akala ko eto na, akala ko ikaw na, akala ko ako na.
Buong akala ko ay ako na, ngunit ako nga lang ang nabiktima. Biktima ng akala.
--
Happy heart's day!!

Comments
Post a Comment
Say something...