Madali Maging Tao, Pero Mahirap Magpakatao

Luma, simple at tipikal na kasabihan madalas kong marinig sa mga matatanda na magbubukid nakakausap ko sa kanayunan pero kung susuriin mo ng malalim relatibo sa kasalukuyang pag-uugali ng mga tao magbubukid,mangingisda,kabataan, kababaihan,mayaman man o mahirap at anumang sekswalidad ang kinapapalooban lapat para sa lahat ito.

Noong bata pa ako, sabi ng Mama at Papa ko, napakasaya daw nila nung nakita nila ako, sabi, lahat daw ay ginawa nila upang ma-sustain lahat ng pangangailangan ko sa buong pamilya namin. Hindi ko man labis na ma-imagine kung gaano silang naghirap o nahirapan upang ma-meet nila yung kanilang gustong mangyarari sa amin sa pagdating ng panahon, subalit nung akoy nagkaroon ng sariling isip ay sadyang sa-realized ko na ganun na nga lamang ang kanilang pagmamahal sa akin mula nung ako naisilang at lumaking nagkaroon ng isip at paninindigan...

Ang sabi nila sa akin, sa aking naaalala, kung ano daw yung gusto kong gawin, kung anumn yung pangarap ko ay susupurtahan nila ako, sa bawat magiging desisyon ko sa buhay ay nandoon lamang daw sila, at ang tanging ikaka-guarantiya ko lang sa kanila ay pasasalamat, na walang promise na magagawa ko ang mga bagay na gusto nilang mangyari sa akin...

Lumpias man ang maraming panahon, na hangga't eto, masasabi kong masaya ako sa mga naging experiences ko sa buhay ko, llumaki rin ako na masasabi kong kulang sa pagmamahal, hindi ko man kayang suklian ang ginawa ng parents ko simula pa noon, pero bawat panahon na dumaraan sa buhay ko ay hindi nawawala sa isip ko na kung sila lamang ay nagpatuloy na suportahan ako, financially, morally at emotionally, magiging buo na ang lahat ng plano ko at maging plano nila para sa akin...

Mahirap ang mag-isa, identically, may mga kaibigan ako, at lalo na't may nagmamahal naman talaga sa akin.. Pero ang punto kong nag-iisa ay sa bawat decisions ko sa buhay, wala akong kasama, walang kapamilya na kahit man lang pagsabihan ako na "Mali 'yan"... Kaya ang tanging gawa koy ok na ang lahat nang ito..

Sa madaling salita, isnilang po ako nang hindi po ako nahihirapan, na ang tanging hangad nila sa akin ay maayos ang kalagayan, na kung maaari ay hindi ako nahahawakn ng iba, pero nung nagsimula nang makilala ko ang mundo, ganun na lamang ang naisip ko, na hindi madaling mabuhay, hindi madali, kahit pa sabihin nating marami kang kaibigan at maraming nagmamahal sa iyo, sa huli naman ay na sa iyong mga kamay destiny mo... Wala naman talagang DESTINY eh (Na-realized ko), ang lahat -lahat, ang buhay mo noon, ngayon at sa mga susunod na araw ay hindi po yun gawa nang kung sinuman, iyon po ay tanging decisions mo, choice mo at yung ang ginawa mo...

Ganun na lamang din kahirap na sabihin nating mahirap nga magpakatao, hindi mo mamalayan na ang bawat naging desisyon mo ay tama kung hindi naman darating sa point na pinagsisihan mo iyon... Ang pamumuhay natin ay maiisip ko na pa-ulit ulit lang naman, napaisip nga ako, hanggang kailan ko ba gagawin ito, hanggang kailan ko ba iiwan ang bagay na ito, hanggang kailan ako magiging MERCHANDISER (joke:)  )...

Para sakin, nahihirapan lang tayo dhil hindi tayo masaya sa ginagawa natin, di ba nga ang sabi "Do what makes you happy!" pagiging malaya, ang ibig sabihin wala kang nasasaktang tao at wala kang ginawang masama...

Nung isnilang tayo, tao na tayong matatawag, kailangan lang panindigan natin na tao nga tayo.. (make sense?)

Ganun talaga ang buhay eh, sa tingin natin hindi masaya, well, choice po nating lahat yun, kung nahihirapan kang nagpapakatao, well, choice din natin yun... hindi po yun sa dahil narinig nating ang kasabihang ito noon pa eh, ganun nga lang katotooo, totoo naman talaga, pero paano yan, ayaw mo na bang mabuhay nang dahil lang nahihirapang kang pagpakatao? isipin mo Mama at Papa mo, Isipin mo ang Diyos, hindi naman talaga ikaw ang may-ari ng buhay eh...

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kahalagahan ng Ating Magsasaka sa Bukid - Talumpati

Usahay (Sometimes) A Song from my Mama. Papa. Lolo. Lola

"LABAN LANG!" - A Simple Tagalog Motivation Piece!