Life is Very Ironic
............bakit ang tao, kapag umuulan, nag re-reklamo sila na malamig. Kapag naman mainit ang panahon, nag re-reklamorin sila na napa-kainit!"
That question always finds me ironic, it reminds me of something like people are being just themselves....
Noong bata pa ako, hindi ko naman naisip na darating ako sa pagkakataong mamumulatan ko ang mundong puno ng kasalanan, tentasyon at maruming pag-iisip. Napuno ako ng iba't-ibang mga tanong na kahit sinuman sa tingin ko ay walang ibang makakasagot kundi ako, ako na maaari kong sandata at paraan upang magkaroon ako ng kaalaman mula sa ibang bagay habang ako'y lumalaki at nag-kaka-isip.
Mga tanong, na sinubukan ko ring itanong sa aking mga magulang, sa aking lolo at lola. Maski sila nga na maraming taon nang namumuhay sa mundo, eh hindi rin makapag-bigay ng kasagutan!
Ang batang aking nakilala, naging kaibigan, naging kausap minsan at naging ka-kwentuhan ng kahit anong paksa, paksa na dapat sana'y pinag-uusapan lamang sa mga kabataan at naiintindihan lamang nila. Pero ang aming pag-uusap ay tila nag-uusap ang matatandang puno ng curiosity sa bawat pangyayaring amin at kanyang nakikita sa paligid.
Marami syang tanong na tila ba ako'y isang psychology. :)
Pero ang naka-agaw sa akin ng pansin mula sa kanyang npakaraming tanong sa akin ay "Kuya, bakit ang tao, kapag umuulan, nag re-reklamo sila na malamig. Kapag naman mainit ang panahon, nag re-reklamorin sila na napa-kainit!", nagkaroon ito ng sense sa akin, naisip ko na sa mundong ito, araw-araw, may madidi-diskuber kang bago, bago sa paningin mo na gusto mong makuha... Napaisip ako lalo, na sa tuwing may araw na nag-iisa ang tao, marami syang iniisip, kasama na doon ang mabubuti at masasamang bagay na maaari mong gawin in the futre, mag iisip kung ano ba ang gagawin para mamaya at bukas, hanggang darating sa puntong magagawa mo ang bagay na hindi mo nagagawa kailanman...
......... ang tao ay talagang wlang contentment sa buhay, habang silay nabubuhay sa mundo, they keep on exploring something like they haven't experienced it, gustong maranasan ang kahit ang LAHAT NANG BAGAY.... Ang gawaing ito ay patunay lamang na tayo ang nagpapakatao...
Ang pag-hahanap at pag-susubok sa mga bagay na minsan ay hindi mo pa naransang gawin sa iyong buhay ay tiyak gusto mo ito, maaari rin ito ay magudulot sa iyo sa kasamaan at maaari rin namang mabuti ang resulta...
Ang tao, minsan mahirap maintindihan.... gusto nya ito, mamaya iba na naman ang gusto nya, gusto nyang bugyan mo sya ng isang bagay, 'pag naibigay na, ayaw na nya...
Ang mga sumusunod ay iilan lamang na masasabi kong ANG GULO!
...SA TAO:
Ang mga artista, gusto nilang mamuhay ng simple tulad sa isang normal na pamumuhay. Pero, karamihan naman sa mga taong hindi artista, gusto maging artista.:)
Karamihan sa matatabang tao ay gustong magpapayat, habang karamihan naman sa mapapayat ay gustong mag-pataba!
Karamihan sa mga foreigners, gusto manirahan sa ating bansa, habang karamihan sa ating pinoy, gusto manirahan sa ibang bansa!
Karamihan sa atin, kapag mainit ang panahon, gusto nating umulan. Ngunit pag umulan, gusto naman nating uminit na!
Gusto ko na kumain ng ice cream. Ngunit pag may ice cream na sa harap, ayoko ko nang kainin, kasi mas gusto softdrinks nalang! :)
Gusto kong bumili ng sapatos, ngunit pagdating ko sa mall, iba ang napili ko..:)
Karamihan sa mga lalaki, gustong maging babae. Habang marami ring babae, gusto maging lalaki. hahahah
Marami pang mga scenario na maaari mong maging batayan na talagang ang paninirahan sa mundong ito ay isang kawalan ng kontento sa buhay, naghahanap at gustong masubukanang kung anong bago.
Ang buhay ikanga ni Kuya Kim ay "weather weather lang..."
Maraming bago, marami ring nag-kaka-interes...Maraming bagay na palaisipan sa atin, ngunit sa pag-laki ko, at habang akoy lumalaki, isa lang ang alam ko.
Kapag si Lord ay nagbibigay, sisiguraduhin Nyang wla ka nang hahanapin pa.
Contentment is not really about what you have achieved, but it's all about realizing and accepting the blessings that God had given.
~Elly
Comments
Post a Comment
Say something...