The Tough Guy.
August 28, 2011 -This date is the date that i would never ever forget. Yes i did, have made a decision. And it really hurts me a lot though. Yet, as what i've said, i'll embrace whatever the results and consequences.
I love my father, but i hate what he is doing to us!!
Bata pa lang ako, masaya na akong nakita ko ang mundo. Masaya, puno ng pag-mamahalan, puno ng kasiyahan. Pero 'di mo rin akalain na sa bandang huli, marami itong pagsubok at mga problemang darating sa buhay ko...
Hangad ko ang lumigaya kapiling ang aking mga magulang, mga kapatid kong lahat lalaki. Nagsumikap ako at kahit hindi ako nakapag-aral sa kolehiyo. hindi ko kailanman napagtanong ang aking mga magulang kung bakit ganun.
Oo, naghanap ako ng paraan para makatulong sa kanila. Bunso ako at lahat ng kapatid ko, may trabaho na rin. Nagka-trabaho ako,at simula nun, inisip kong pagbubutihan ko ang trabaho ko at aalagaan ko ito, ng sa ganun man eh, makitaan ako ng potential ng aking boss.
Nakatulong naman ako sa kanila. Kahit na inaamin ko, hindi ganun kataas ang sahod ko, pero pinipilit kong gawin ang bagay na makapagpapasay sa kanila. Dahil nga, gusto ko ring palitan lahat ng pag-papagod ng magulang ko noong ako'y bata pa. Eto na rin ang nagsilbi kong goal at inspirasyon upang mag-pursige.
Ganunpaman, ang panahon ay lumilipas, at habang ito'y nangyayari, lumilipas din ang pagiging bata ko. Lumalaki, nagkakaisip at nag-kakaroon ng sariling paninindigan sa buhay.
Simula nung ako'y naging matured, marunong na akong mangatarungan at nanindigan sa aking karapatan bilang isang tao at bilang isang anak.
Halos ang focus ng buhay ko, buong buhay ko ay nakaka-diin lang sa aking papa. Isa sa aking objections sa aking pagtatrabaho eh yung ay ang masabi nyang "proud" sya sa akin.
Sad to say, kailanman at hanggang ngayon na malaki na ako, hindi ko narinig ang saitang iyon, instead puro pa-nge-ngwenta sa lahat ng nagawa nya sa amin, puro insulto at puro masasakit na salita ang naririnig ko mula sa kanya.
Masakit talaga, lalo na kung halos araw-araw mo na lang naririnig ang kanyang masasakit na salita. Ganunpaman, kinailangan kong maging matatag at intidihin na laman sya dahil nga Papa ko sya.
Nangyayari ito halos araw-araw. Hindi na rin lang ako kumikibo, umiiyak na laman ako sa isang tabi na walang nakakakita sa aking tumutulo ang mga luha ko. Ganoon lang ang aking paraan upang matanggalan man lng kahit paano ang sakit na nararamdaman ko.
Ito'y nagpatuloy nang nagpatuloy. Hanggang dumating na sa point na pinapalayas na ako, at ayaw na nya akong makita sa bahay.
Ewan ko, kung kayo naman ay magtatanong kung bakit ba sya ganyan sa akin. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit. Ang alam ko naman eh ginawa ko na ang lahat. Pero lahat nang iyon, hindi naman nya nakita, ang nakikita nya ay puro mali at yung kulang ko.
Hindi ko alam kung ako ba ang problema nya sa akin, pero ang tanging nalalaman ko eh, PERA, ang puno't dulo ng pagkagalit nya sa akin...
Ngayon, hindi man ako masaya sa piling ng aking papa, wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin ko sya. Hindi ko rin naman mapipili ang isang ama. Ang alam ko, hindi pa man ako nabubuhay, buhay na si papa, syempre ang Lord ang gumawa sa kanya.
Ang papa ko, hindi ko man maintnidihan pero mahal ko sya at lahat naman ng pahihrap nya, nkikita ko naman yun.
Nakaka-challenge si Lord. Bakit? alam ko kasing may malaking rason sya. Yun naman ay hindi ko pa alam. Pero handa akong yakapin yun kung ano man yun, kasi si Lord ang dapat kong i-please at hindi ang kahit na sino, kahit ang papa ko. Hindi ko sya kayang baguhin, kaya naman dalangin ko ito kay Lord, alam kong sya lng nag-iisang kayang baguhin ang papa ko.
Ang decision kong umalis sa bahay dahil nga sa kanyang pagpupumilit na umalis na ako ay ginawa ko, at ito na yata ang isa sa pinakamalaking desisyong ginawa ko. At sinabi ko rin sa sarili ko, hindi ako babalik dito hanggang dumating ang araw na sasabihin ng papa ko na kailangan nya ako at pababalikin na nya ako.
Malaki nga at mabigat, kaya naman God bless to me!!
God will take care of me, hindi naman ako lalayo, andito lang ako sa mama ko, sa kanyang pinagta-trabahoan. :(
nice.. like it! thanx for sharing.Barasoain church
ReplyDelete