Eksena sa Palengke!
MAINGAY. MAGULO. MABAHO. MASIKIP. MARAMING TAO.
Ilan lamang yan sa mga bagay na aking nakikita sa palengke tuwing ako'y pumupunta doon upang mama-lengke. Yes, you heard it right, I can go to the market and buy some fishes to consume.
Pero ang talagang kumuha ng atensyon ko habang ako ay nasa loob ng palengke ay ang dalawang magka-kompitensya sa pagtitinda ng isda. Isang matabang lalaki at isang babae na may katamtaman lang na sukat sa kanyang pangangatawan.
Habang ako'y naglalakad upang maghanap ng klase ng isdang sa tingin ko naman ay masarap ulamin, medyo sariwa at syempre yung mas affordable. Wala akong masayadong makitang sariwang isda na hinahanap ko, hanggang sa umabot na ako sa dulo nang tamang-tama e andun naman pala ang maraming nagtitinda nito.
May nakita na ako sa wakas, yung isang puwesto eh mas mura kaya lng medyo malangsa na, at yung kaharap naman nya e medyo mas mahal nang kunti pero medyo sariwa pa yung isda nyang itinitinda.
Una kong nilapitan ang puewstong babae and nagba-bantay, yung mas mura, syempre, pumili din ako ng isda habang sinasabayan ako ng tindera ng pangungulit at pag "sales talk", ngunit wala naman akong nakitang sariwang isda mula sa kanyang paninda.
Kaya naman nag-desisyon akong dun na laman sa harapan nyang puwesto na ang nagbabantay ay isang matabang lalaki. Medyo nasira kunti ang mukha ng tinderang una kong nilapitan nung ako'y umalis at pumunta sa ka-kompitensya nya.
Dali-dali din naman kinuha ang atensyon ko ng matabang lalaki sa pamamagitan ng kanyang pananalita at kanyang istilo nang pag si-sales talk...
Na-ingganyo akong bumili mula sa kanyang panindang isda dahil na rin na it ay sariwa at nadagdagan pa mula sa kanyang pag sales talk...
Ngunit ang kinagulat ko lang ay babaeng tindera na una kong nilapitan. Sya pala ay nagalit at uminit na ang ulo nung ako'y umalis at naisipang sa lalaki na lang ako bumili.
Sya'y nagsimula nang magsalita ng mga salitang ayaw na ayaw kong marinig, nagsimula nang magmura at talagang siniraan pa ang lalaki. Malaki ang boses ng babae, lahat nang tao ay sa kanya na ang tingin.
Sumasagot din naman ang lalaki, ngunit sa aking palagay, eh maling-mali ang babae dahil sa kanyang hindi pagiging professional at sport sa lahat nang anuman maaaring mangyari sa kanyang paninda.
Hanggang sa ito'y lumaki, at patuloy pa rin ang babae sa kanyang mga salitang nag-papasira sa lalaking tindero, Nagsimula na akong matakot nang hanggang isang sandaling kinuha ng lalaki ang kanyang itak na sya nitong panggamit nya sa pang tadtad ng malalaking isda na kanyang binibenta.
Sa takot ko'y nagkaroon ako ng phobia mula sa hawak-hawak nyang itak, syempre sa kdahilanang nasa gitna ako mula sa kanilang puwesto.
Alam kong naiinggit lamagn ang babae sa lalaki, at alam ko ring naiinis na rin ang lalaki sa kanya kaya nya naisipang kunin ang kanyang itak at itinutok ito sa babae sabay sabi nang mga katagang: "Hindi ako nakikialam sa benta mo, kaya huwag na huwag kang maiingit kung dito pumupunta ang mga customer mo. Hindi mo ba naisip kung bakit nangyayari yan? eh dahil ang binbenta mong isda, lahat bulok at bagay lamang ipakain sa mga asong kalye. Katulad mo, kaya siguro bulok yang isda mo dahil bulok rin ang utak mo. Ang dami dami natin dito bakit sa akin ka lang nagagalit..!!!"
Tama naman ang lalaki! Naiintindihan ko sya kung bakit nya nasabi ang mga panginginsultong iyon...dahil sa kanyang inis at naubos na in ang kanyang pasensya.
At syempre pa, dumami na rin ang taong nanonood sa eksenang iyon, parang na sa sinehan ang pangyayari at akala ko naman eh talagang papatayin ng lalaki ang babae, buti nalang, dumating agad ang mga pulisya upang sila ay maawat.
Marami akong nakuhang leksyon mula sa eksenang iyon. At ang pinaka naisip ko sa lahat na tingin ko'y dapat kong i-apply sa sarili ko...
I must be professional enough, not to please everyone of my co-workers but to be respected and to have respects. It's not every time my time, you have to be cheerful to be a blessing and to share a blessings to anyone.
That day was a memorable moment in me. Natatawa na lamang ako sa tuwing maiisip ko ang eksenang iyon. ...
Cheer up guys..:)
Comments
Post a Comment
Say something...